Home OFW Guide Problem with Debtors? Paniningil ng Utang, Pinadali na!

Problem with Debtors? Paniningil ng Utang, Pinadali na!

4394
2
SHARE
Ctto

Kabayan, may pautang ka bang hindi mo masingil-singil?

Ngayon posible na ang madaling paniningil ng utang dahil sa pina-simpleng Small Claims Procedure! Kung meron kang ipina-utang na pera na laging tinatakbuhan o di kaya tinataguan, pwede mo na i-akyat ito sa municipal o metropolitan trial court. Hindi na kailangan ng lawyer at di hamak na mas mura na ito.

Photo from The Balance
Photo from The Balance

Ano ang Bago sa Sistema ng Small Claims Procedure?

Sa napakadaming kaso ng paniningil ang ipinasa at na-resolba noong nakaraang taon, gumawa ng paraan ang Supreme Court para ma-solusyonan ang di umanoy magastos at mahabang proseso ng pag-sampa ng kaso.

Photo from Human Rights ASEAN

Ito ay magiging mas abot kaya na, dahil ang abogado ay di na kakailanganin kapag ang iyong sinisingil na pera ay di tataas ng P 200,000. Gayondin, ito ay mas pina-mura pa at kung wala kang kakayanan magbayad, pwedeng walang filing fee ang singilin sa iyo!

Mas mabilis nadin ito kumpara sa nakaraang sistema na umaabot hanggang isang taon para maresolba. Ngayon, wala pang isang buwan, ay pwede mo nang makuha ang pera mo.

Magkano nga  ba ang Pag-sampa ng Kaso?

Ang filing fee ay depende sa laki ng iyong kokolektahin na pera

  • P 2,017 na fee para sa ang sinisingil ay P 20,000 pababa
  • P 2,717 na fee para sa ang sinisingil ay mula P 20,000—P100,000
  • P 4,232 na fee para sa ang sinisingil ay mula P 100,000—P200,000
  • P 5,240 na fee para sa ang sinisingil ay mula P 200,000—P300,000
  • P 6,755 na fee para sa ang sinisingil ay mula P 300,000—P400,000
Photo from Thoughtskoto
Photo from Thoughtskoto

Ano ang Mga Dapat Gawin?

  1. I-fill out ang small claim form at ipasa ang mga kinakailangang dokumento tulad ng Certification of Non-Forum Shopping, Splitting a Cause of Action and Multiplicity of Suits, affidavit of witnesses, at certified photocopies ng actionable documents sa sinasabing claim. Para naman sa indigents na hindi kayang mag bayad ng fee, kailangan magpasa ng form 6-CC o ang Motion to Plead as Indigent.
  2. Kapag nai-pasa na ang mga requirements, aaralin ito ng korte at ipapatawag ang defendant para makapag-pasa ito ng response sa reklamo laban sa kanya.
  3. Kapag natanggap na ng defendant ang impormasyon patungkol sa kaso, ito ay magpa-pasa sa korte ng response. Kapag hindi ito nakapag-pasa, gagawa ang korte ng desisyon sa mismong araw na yon gamit lang ang Statement of Claims bilang basehan.
  4. Magkakaroon ng hearing sa loob ng 30 na araw mula sa pag-hain ng kaso.
  5. Kapag hindi magkasundo ang dalawang partido, ang judge na ang magbibigay ng desisyon sa loob ng 24 na oras. Ang magiging desisyon ng judge ay huli na at di na pwede pang apelahan.

**Para di maabuso ang small claims, magkakaroon ng karagdagang P 500 pag lumagpas na sa limang kaso ang nai-sampa sa loob ng isang taon.

Papaano Makikinabang Dito ang mga OFW?

Sa ating mga OFW na may inaalagaang hanap-buhay tulad ng sari-sari store, karinderya, bigasan at iba pa, pwede na kayong makahinga ng maluwag dahil malaki na ang pag-asang kayo ay makakasingil. Hindi na din kailangan kayong mag-habol ng utang, dahil ang batas na ang gagawa nito para sa inyo!

Photo from Dessert Comes First
Photo from Dessert Comes First

Gumagawa ng social media campaign ang Supreme Court para makarating ang magandang balita na ito sa ating mga OFWs. Ikinakalat na din ang impormasyon sa mga airport at embassies. Para sa karagdagang detalye patungkol sa bagong Small Claims Procedure, pumunta lang sa http://sc.judiciary.gov.ph

2 COMMENTS

  1. I am working here in Riyadh, KSA and made an investment of SAR 100,000.00 (Bahrain Dinar 10,000.00) to a restaurant in Bahrain last July 2016. However, we found out the fraudulent and malpractices committed by our partner in the business. We have not finalized yet the partnership agreement (still in drafting stage). After a year of operation, our business partner declared that the business is a total loss with heavy debts committed by them. Please advise on how I can file a case against them.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

CommentLuv badge