Home OFW Peso Tips Mabilis at Siguradong Pera-Padala? Mag-Online Banking Na!

Mabilis at Siguradong Pera-Padala? Mag-Online Banking Na!

1513
0
SHARE
Pera Padala

Noong araw, ang isang OFW ay halos magkandarapa para makahanap ng paraan upang makapagpadala ng pera para sa kaniyang mahal sa buhay sa Pilipinas. Dahil sa perang ipadadala niya nakasalalay ang tugon sa pangangailangan ng kaniyang pamilya, malaking bagay na ito ay makarating agad nang walang problema. Pero, paano niya ito maipapadala?

Ang sulat ay ang karaniwang paraan para makarating ang kanyang padala. Sinasamahan na nila ng pera ang kanilang sulat para sa minamahal sa buhay.

Isa pang paraan ay ang pag sabay ng pera sa loob ng balikbayan box. Sa gilid ng mga Spam, tsokolate, bitamina, at lata ng kape, may naka ipit na dolyares.

Minsan naman ay pinapakidala ang pera sa kakilala o kamag anak na uuwi ng Pilipinas ang pera.

Nakakarating naman ang pinadalang pera, ngunit matagal at walang kasiguraduhan. May pagkakataon pa na nawawala ang pera dahil sa dami ng dadaanang kamay.

Pero ngayon, iba na. Dahil sa makabagong teknolohiya, mabilis at sigurado na ang pag papadala! Gamit ang telepono, tablet, o computer, sa pamamagitan lang ng 4 na pindot ay nasa bangko na ng minamahal sa buhay ang pera.

Ganito lang ang paraan:

1. Pupunta sa website ng pagpadala ng pera
2. Ilalagay kung magkano ang ipapadala
3. Ilalagay ang detalye ng mag papadala at tatangap
4. Pindutin ang Send, at ilang minuto lang ay nasa bangko na

Walang kahirap hirap at mabilis ang transaksyon. Hindi na kailangan mag antay ng ilang buwan o ng kakilala na mapapagkatiwalaan para mag abot ng pera. Mas madali at mas mabilis ang pag alaga ng OFW sa kanilang pamilya.

SHARE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

CommentLuv badge