Home OFW Guide After The Love Has Gone: Ang Proseso ng Annulment sa Pilipinas; Maari...

After The Love Has Gone: Ang Proseso ng Annulment sa Pilipinas; Maari din Para sa OFW

4254
0
SHARE
OFWLife - Annulment
OFWLife - Annulment

Kapag panahon ng Valentine’s, love is in the air. Pero paano kung pagkatapos ng mga matatamis na salita at saglit na pagsasama, maubos ang pagmamahal at mauwi ang noo’y masayang pamilya sa tuluyang hiwalayan?

Madali para sa mga nakatira sa Pilipinas ang mag-file ng annulment dahil accessible sa atin ang mga opisina na kelangan puntahan. Pero di naman ibig sabihin nito ay hindi na pwedeng magpa-annul ng kasal ang mga kababayan nating OFWs.

Ang mga sumusunod ay mga suhestiyon kung kinakailangan na ba talagang tuldukan ang inyong pagsasama:

  1. Siguraduhin na wala na talagang pag-asa. Sumubok ng ibang mga paraan para pag-ubrahin ang relasyon. Maghanap ng marriage counselor kung maari at subukan na pag-ugnayin ang pagmamahalan magkalayo man. Sabi nga nila, love knows no boundaries.
  2. Maghanap ng abogado. Ang pag-file ng annulment ay sasagad ng iyong lakas at siguradong hindi biro. Maghanap ng isang abogado na eksperto sa paghawak ng mga kaso ng annulment at tiyak mong mapapagkatiwalaan. Kung wala sa Pilipinas, maghanap ng eksperto gamit ang internet upang makakita ng abugado na akma sa usapang pagpapawalang bisa ng kasal. Makipag e-mail sa mapipiling abugado upang makilala ito ng husto.
  3. Ihanda ang bank account para isang mabigat na gastusan. Hindi biro ang magpa-annul ng kasal at mas lalong hindi katawa-tawa ang lawyer fees, psychiatrist fees (kung psychological incapacity ang dahilan ng hiwalayan), etc. Magtabi ng halagang di bababa sa Php. 300,000 hanggang kalahating milyong piso. Maaring ito ang laman ng kabuuan ng iyong savings sa ibang bansa, kung kaya’t isipin mabuti bago pa ipawalang bisa ang kasal.
  4. Ihanda ang memorya para alalahanin ang buong nakaraan ng iyong kasama sa buhay. Magiging isang importanteng aspeto ng annulment case ang nakaraan. Mula sa pagkakakilala ninyo hanggang sa pagkatao ng kabiyak o “better half”. Maari din itong maging paraan para mapagnilayan ang pinagsamahan.
  5. Maging ang kustodiya ng mga bata ay isaalang-alang na din. Kanino mapupunta ang mga bata o anak niyo para maging malinaw ang maging hatian bago pa man humarap sa korte. Para sa isang OFW, magandang pag usapan muna ito gamit ang mga communication channels tulad ng Facebook at Skype. Maaring kailangan lang ng open communication para manumbalik ang pagmamahalan.
  6. Siguraduhin na matatag ang iyong dahilan. Tiyakin na ito ay papasa sa hukuman. Maaring malunkot ka lamang dahil ikaw ay nasa ibang bansa, kung kaya’t mas magandang kausapin ang partner mo at kung maari ay pagdesisyunan ng mag-asawa.
  7. Kumuha ng exam sa iyong pag-iisip o psychological evaluation. Isa sa mga rason ng hiwalayan ay ang psychological incapacity o kakulangan sa kapasidad ng pag-aruga sa isang katuwang sa buhay. Maaring bigyan o kumuha ang iyong makukuhang abogado ng espesyalista nito para makatulong sa inyo sa korte. Bilang OFW, mayroong mga available na psychological counseling gamit ang mga instant messaging applications tulad ng Skype. Pwedeng gamitin ang conference kung kinakailangan para mag-marriage counseling kahit nasa ibang bansa. Hindi pa huli ang lahat.

Ayon sa Article 45 ng Family Code ng Pilipinas, 6 lamang ang pagpipilian na rason para ipawalang bisa ang inyong kasal:

  • Lingid sa kaalaman ng magulang. (Para sa mag asawang nasa edad 18, ngunit walang pang 21.)
  • Psychological incapacity
  • Fraud
  • Pwersadong pagpapakasal, o pagbabanta.
  • Walang kapakanang mag-anak, pagka baog.
  • Sexually Transmitted Diseases

Mga Paraan:

  1. Para sa mga Pilipinong nasa Pilipinas, ang pag-file ng annulment case ay sa Family Court kung saan naroon ang iyong kabiyak. Para sa mga OFWs, ang presensya ng consul ay kinakailangan para sa iyong panunumpa. Ang mga pirmadong dokumento ay susunod na ipapadala sa Pilipinas pagkatapos. Sakali namang wala sa Pilipinas ang kabiyak, ang dokumento ay ipapadala sa lugar kung saan ito huling nanirahan.
  2. Service of Summons. Ito ay isa sa pinaka importanteng hakbang sa pag-annul ng inyong pag sasama. Kinakailangang ma-notify muna ang iyong asawa upang umandar ang proseso. Ito ay maaring gawin sa paraan ng liham o paglimbag sa mga dyaryo o peryodiko. Ang mga kaibigan nating OFW ay maaring magkaron ng isyu rito dahil sa lugar na kinaroroonan. Maari itong tanggapin ng iyong abugado kung sakali.
  3. Hintayin ang sagot ng iyong asawa. Binibigyan ng 15 days ang respondent na sumagot sa petisyon o 30 days kung sakaling hindi naipadala sa lugar na tinitirahan at idinaan ang pagbibigay alam sa paraan ng peryodiko.
  4. Pre-trial conference. Ang hakbang na ito ay importante dahil maaring ibasura ng korte ang petisyon kung sakaling hindi dumating o hindi makapagbigay ng paunang paalam ang mga representatibo ng dalawang pangkat. Ang mga OFWs ay maaring magpadala ng kinatawan/abugado sa mga pangyayaring ito upang magkaroon ng representatibo.
  5. Paglilitis. Dito i-dedepensa o papatunayan kung ang rason para i-annul ang inyong kasal ay aaprubahan ng korte. Hanggat maari, kailangan na ang presensiya ng OFW sa korte. Ang di pagdalo sa hearing ay maaring maging mitsa ng pagkatalo sa petisyon ng annulment.
  6. Pagpataw ng desisyon ng korte. Dito malalaman kung ang korte ba ay sang-ayon sa pag annul ng inyong kasal, o ang petisyon para ipawalang bisa ito. Ang desisyon ay magiging pinal pagkatapos ng labinlimang araw.
  7. Apila. Ang iyong kabiyak o ang Solicitor General, ay maaring umapila para sa isang panibagong paglilitis o kaya naman ay Motion for Reconsideration sa loob ng 15 araw pagkatapos ng pagpataw ng desisyon.

Hindi biro, nakakapagod, at nakakapayat ng bank account ang pagpapawalang bisa ng kasal. Maari itong magdulot ng depresyon, kahirapan, at matinding kalunkutan higit pa sa pagka homesick. Kung kaya’t kabayan, siguraduhin na sa susunod na Valentine’s day, ang iyong mapipiling pagbigyan o padalhan ng rosas at tsokolate ay ang nag-iisang nilalang na iyong napipiling makasama sa iyong buong buhay. Subukan na pag-ubrahin ang relasyon habang magkalayo at hindi pa kasal, upang malaman kung kakayanin ba ng pag-ibig na higitan ang distansiya.

Gaya nga ng sabi nila: “Ang pagpapakasal ay di tulad ng mainit na kanin na iluluwa mo lang dahil ikaw ay napaso. Mahal ang bigas ngayon, madaming nagugutom sa mundo! Siguraduhin na ang kakainin ay sapat para saiyo.

Ang article na ito ay hango sa: http://www.jbsolis.com/2017/01/15-steps-for-ofws-to-file-annulment-in.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

CommentLuv badge